Lalaki patay nang masagasaan ng tren sa Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2019 09:07 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos mahagip ng tren ng Philippine National Railways sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Idineklarang dead on the spot ang biktimang si Florante Dupan, 54-anyos, na nagtatrabaho sa Manila City Hall engineering department.

Patawid siya nang mahagip sa may Triangulo-Solis at makaladkad.

Bibili lamang sana ng pandesal ang biktima nang masagasaan.

Patuloy ang operasyon ng PNR.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.