Backpack sa Makati na pinaghinalaang bomba, pansit, pandesal ang laman

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2019 05:30 PM | Updated as of Oct 02 2019 06:15 PM

Nang sipain ng bomb squad ang backpack, pansit at pandesal lang ang tumambad sa kanila. Screengrab

MAYNILA - Agad na sumugod ang bomb squad ng Makati police nitong Miyerkoles sa kahabaan ng EDSA nang matagpuan ang isang abandonadong backpack sa ibaba ng MRT station.

Nakakuha umano sila ng abiso na may naiwang backpack sa kahabaan ng kalsada.

Pero nang sipain ang backpack, pancit, pandesal, tubig, at payong lang ang laman nito.

Ayon kay Police Lt. Enrique Fernandez, hepe ng Explosives and Ordinance Division ng Makati City, parte ng kanilang protocol ang pagtugon sa mga naturang insidente.

Ito rin aniya ay para sa kaligtasan ng mga motoristang dumaraan sa kalsada.

Nagdala ito ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar.

-- May ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.