PatrolPH

Vice mayor, konsehal ng Pitogo, Quezon sugatan sa aksidente

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2022 03:12 PM

Sugatan ang vice mayor at isang konsehal ng bayan ng Pitogo, Quezon matapos matapos sumalpok sa poste ng kuryente at pader ng bahay ang sinasakyan nila sa Brgy. Amontray, Pitogo.

Ayon sa report ng Pitogo Police, minamaneho ni Vice-Mayor Paul Timothy Villaflor, 42, ang kanyang SUV at pasahero si konsehal Alexander Mosquite, 43, patungo sa bayan ng Gumaca, pero pagdating sa isang kurbada ay mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Sumalpok muna ang sasakyan sa poste ng kuryente bago ito bumangga sa pader ng isang bahay sa gilid ng highway

Nagtamo ang dalawa ng mga sugat sa ulo at katawan at agad isinugod ng mga tauhan ng Pitogo MDRRMO sa ospital sa bayan ng Gumaca.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang takbo ng sasakyan kaya nag-overshoot ito sa kurbada na naging dahilan ng aksidente. — Ulat ni Ronilo Dagos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.