PatrolPH

8 bagong truck-mounted howitzer dineploy sa Central Mindanao

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2022 10:35 AM

Larawan mula sa 6th ID at JTF CENTRAL
Larawan mula sa 6th ID at JTF CENTRAL


GENERAL SANTOS CITY – Nai-deploy na sa 6th Infantry Division sa Central Mindanao ang walong Autonomous Truck Mounted Howitzer System o ATMOS na itinuturing na pinakamalaking armas na mayroon ngayon ang Armed Forces of the Philippines.

Dumating ang self-propelled 155mm ATMOS sa Makar Wharf sa GenSan nitong Biyernes, Setyembre 30, galing sa Naval Base Heracleo Alano, Sangley Point sa Cavite City.

Magiging "game changer" ang mga bagong armas ng AFP na mapapakinabangan kontra terorismo, sabi ni Maj. Gen. Roy Galido, commander ng 6ID.

Ang ATMOS ay bahagi ng modernisasyon sa AFP. 

Ito ay bunga ng $47-million contract na napirmahan noong 2020 mula sa Israel's Elbit Systems.

—ulat ni Chat Ansagay

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.