P1.5-milyon nahalaga ng droga nasamsam sa Talisay, Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2022 11:05 AM

Nasamsam ng Talisay City police nitong Biyernes ang nasa P1.5 milyong halaga ng iligal na droga mula sa lalaki sa isang buy-bust operation sa siyudad. 

Nahuli ang suspek, na high-value individual umano, sa Brgy. Poblacion. Nagpakilala raw na janitor ang nahuli na malawak ang pinagbebentahan ng shabu.

Nasa 225 gramo ng ilegal na droga ang nakuha sa lalaki, sabi ni Police Lt. Col. Randy Caballes, hepe ng Talisay City Police Station

Nagkakahalaga ito ng P1.5-milyong base sa tala Dangerous Drugs Board.

Mahaharap siya ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act dahil sa subok na pagbenta nito sa poseur buyer ng pulisya. – Ulat ni Annie Perez

PANOORIN

Watch more News on iWantTFC