PatrolPH

Dating pulis na tulak umano ng droga, arestado sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2022 04:17 PM

Larawan mula kay Glenda Bearis
Larawan mula kay Glenda Bearis

Timbog ang isang 41-anyos na dating policewoman sa drug buy-bust operation ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Bato, Camarines Sur nitong Biyernes.

Ayon sa Regional Police Drug Enforcement Unit 5-Naga Camarines Sur, ang suspek may ranggong police corporal nang ma-dismiss.

Sinibak sa serbisyo ang dating policewoman matapos na magpositibo sa drug test sa Magarao Municipal Police Station noong 2020, ayon sa hepe ng Bato Police na si Reymond Quinito.

Nakumpiska sa buy-bust ang aabot sa P88,400 na halaga ng hinihinalang shabu.

Nasa walong gramo ang dami ng droga kabilang na ang nabili ng pulis na nagpanggap na buyer.

Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang suspek at nahaharap na sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —ulat ni Jonathan Magistrado

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.