PatrolPH

Pantawid ng Pag-Ibig: Mga nakatira sa footbridge sa Muntinlupa, hinatiran ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2021 07:00 PM | Updated as of Oct 03 2021 07:08 PM

Hinatiran ng ABS-CBN ng tulong ang ilang pamilya sa Purok Uno, Lakas Bisig St. sa Muntinlupa City. ABS-CBN News
Hinatiran ng ABS-CBN ng tulong ang ilang pamilya sa Purok Uno, Lakas Bisig St. sa Muntinlupa City. ABS-CBN News

MAYNILA - Kabilang ang bahay nina Carissa Awit sa mga na-demolish noong nakaraang taon dahil sa construction ng rampa ng Skyway 3. 

Dahil wala na silang sapat na pera para makalipat ng bahay, pinilit nilang makapagtayo ng maliit na masisilungan sa ilalim ng tulay.

"Bale ngayon po pinapalayas kami diyan, sabi nila kanila pa raw po ang lupa na ito," ani Awit. 

Dumagdag pa sa dagok ang pagkawala ng trabaho bilang pintor ng mister ni Awit dahil sa community quarantine. 

Watch more on iWantTFC

Ngayon, sa pangangalakal sila kumukuha ng pantustos ng kanilang pamilya. 

Sa ilalim din ng tulay nakatira sina Meldrid Haguten. Alam nila ang panganib pero wala rin silang mapagkuhanan ng kahit pang-upa ng bahay sa ligtas na lugar. 

"Pagtawid iyong mga anak ko lagi ko pinagsasabihan na humawak sa lubid kasi nga hindi pa ano iyong hawakan eh. Hanggang maaari ako na ang bumibili, hindi ko na sila pinapalabas," ani Haguten. 

Hindi rin regular ang trabaho ng mister niya bilang security guard. 

Kabilang ang pamilya nina Awit at Haguten sa 100 residente ng Purok Uno, Lakas Bisig St. sa Muntinlupa City na hinatiran ng tulong ng ABS-CBN. 

Sumulat ang miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP), na sinusuportahan ang mga apektadong pamilya sa ABS-CBN para makapagbigay ng karagdagang tulong. 

"Maraming salamat po. 'Yung ulam namin ngayon puwede
mamayang gabi para mamaya nindi na kami bibili," ani Haguten. 

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.