Aragones, Hernandez tatakbo bilang gobernador ng Laguna

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2021 10:25 AM

MAYNILA - Kapwa inanunsiyo na nina incumbent Laguna governor Ramil Hernandez at 3rd District Congresswoman Sol Aragones na tatakbo silang gobernador ng lalawigan sa darating na halalan sa 2022.

Pormal na inanunsiyo ni Aragones Huwebes ng gabi sa kaniyang Faceook live ang kanyang pagtakbo kung saan katandem niya si Jericho Ejercito, anak ng aktor at dating gubernador na si ER Ejercito.

Kasama din ni Aragones sa kaniyang ticket ang bokalista ng bandang 6cyclemind na si Tutti Caringal na tatakbo naman board member.

Ilan sa mga programang isusulong ni Aragones ay ang pagapalakas ng turismo sa Laguna, pagpapatayo ng ospital, bagsakan center para sa agricultural products at gagawing Silicon Valley ng Pllipinas ang probinsya, gayundin ang pagsulong para sa social pension ng mga senior citizen.


Nasa huling termino na si Aragones bilang kongresista habang si Hernandez naman ay lalaban para sa kanyang ikatlo at huling termino.

Ang ka tandem ni Hernandez sa halalan ay ang incumbent Vice Gov. na si Atty. Karen Agapay.

Ayon kay Hernandez, hindi naman siya sobrang husay sa pagsasalita at pagharap sa kamera, pero game na daw siya para sa muling pagtakbo upang ipagpatuloy ang serbiyong tama.

Samantala, naghain na ng certificate of candidacy ang actor na si Ejay Falcon na tatakbong Vice Governor ng Oriental Mindoro at ka tandem niya ang incumbent governor na si Humerlito “Bonz” Dolor sa ilalim ng PDP-Laban.