PatrolPH

Mga walang face mask sa barangay sa QC sinita

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2020 01:37 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sinita ng mga awtoridad ang mga residenteng walang face mask sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City. 

Parte ito ng operasyon ng mga tauhan ng QC Department of Public Order and Safety. 

Kabilang sa mga nasita ang isang 18 anyos na nahuling walang suot na face mask at naninigarilyo sa pampublikong lugar. 

Namahagi rin sila ng flyer na may paalala kung paano ang tamang pagsuot ng face mask. 

Namigay rin ang mga awtoridad ng face shield. 

Ayon kay DPOS enforcer Ret. Col. Ramon Perez, pumalo sa 5,000 ang mga nahuling lumabag sa tamang pagsusuot ng face mask sa siyudad simula nang estriktong ipag-utos ang pagsusuot nito. 

Babala ng mga awtoridad, may multang P300 hanggang P1,000 ang hindi magsusuot o kaya maling pagsuot ng face mask.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.