Rider na nagtangkang tumakas sa checkpoint, nakuhanan ng droga

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2019 05:21 AM | Updated as of Oct 01 2019 05:24 AM

Batasan Police Station

MAYNILA—Arestado ang isang motorcycle rider matapos siyang makuhanan ng droga sa Tandang Sora, Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Sandie Caparroso ng Batasan Police Station, nagtangkang tumakas sa checkpoint ang 22 anyos na suspek.

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo. 

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P40,000.

Giit ng suspek, tumakbo siya dahil wala umano siyang lisensiya at itinanggi na sa kaniya ang nakumpiskang droga.

Dati na siyang nakulong dahil din sa paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.