PatrolPH

Sangkap sa paggawa ng puto bumbong, nagtaas-presyo

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2022 02:44 PM

ABS-CBN News
ABS-CBN News

Nagtaas na ang presyo ng malagkit na sangkap na ginagamit sa paggawa ng puto bumbong, ayon sa mga tindera. 

Nasa P80 na ang presyo ng malagkit na bigas mula P70. 

Maging ang bayad sa paggiling ng niyog, nasa P20 na mula P15. 

Tumaas na kasi ang konsumo ng malagkit at marami ang nagpapagiling dahil marami na ang mga nagtitinda ng puto bumbong. 

Dahil mataas ang presyo ng galapong at iba pang sangkap sa paggawa nito ay nagkaroon na rin ng taas-presyo. 
    
"Medyo lumalakas na ng konti pero ng magstart kami ng September 1 medyo mahina pa po. Hindi pa masyadong nakikilala ang pwesto namin," ayon sa tinderang si Cecile Caluma. 

Nasa P45 hanggang P60 ngayon ang bentahan ng bibingka habang nasa P35 hanggang P60 ang puto bumbong. 

"Medyo mahina pa hindi pa naman ano yung ber months, mga November yan lalakas saka yung mga order," ayon sa isa pang nagtitinda na si Julie Samson. 

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.