PatrolPH

Babae arestado sa Bulacan dahil sa pagpapatakbo umano ng online annulment scam

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2021 04:50 PM | Updated as of Sep 30 2021 07:31 PM

Watch more on iWantTFC

Arestado kamakailan ang isang babae mula Bulacan dahil sa pagpapatakbo umano ng online annulment scam sa Quezon province.

Sa kaniyang bahay sa San Jose del Monte hinuli ang suspek na si Archie May Ramos ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group.

Pinapangakuan umano ni Ramos ang mga public school teacher sa Quezon na kaya niyang maipawalang-bisa ang mga kasal ng mga ito kapalit ng malaking halaga.

Isa sa mga biktima si alyas "Linda" na nagbigay ng higit P100,000 dahil sa pangakong mapapawalang-bisa ang kasal niya sa loob lang nang 6 na buwan.

"Sa totoo lang, nagdalawang isip ako noong una. Kaso lang po, sa eagerness na ako ay ma-annul... na-grab ko na po," ani "Linda."

Nakilala umano ng mga biktima ang suspek sa Facebook at napaniwala nito ang mga guro dahil nagpakilala itong nagtatrabaho sa law firm.

Pero natuklasang peke pala ang mga court order at iba pang dokumento, at ginamit pa ng suspek ang pirma ng isang judge.

Nakarating ang mga kopya ng mga dokumento sa judge, na humiling ng imbestigasyon sa CIDG.

Tumangging magbigay ng pahayag si Ramos, na kinasuhan ng estafa at falsification of public documents.

Nanawagan din ang CIDG-Quezon sa iba pang biktima na lumantad.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.