Sunog sumiklab sa residential area sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2020 09:34 PM

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Galicia St., Barangay 401 sa Sampaloc, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-7:53 ng gabi at itinaas na nila ang insidente sa ikatlong alarma. 

Sa mga bidyong kuha ng ilang netizens, makikitang nasusunog ang ilang bahay.

I-refresh ang page na ito para sa updates. - Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.