Umano'y kasabwat ng 'drug queen' ng Maynila, arestado

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 03:30 PM

MAYNILA - Arestado ang umano'y kasabwat ng tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro sa isang buy-bust operation sa Sampaloc, Maynila noong Sabado.

Nakumpiska kay Marlon dela Cruz ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P30,000 sa Barangay 484, Zone 43, ang lugar na nasasakupan ng umano'y drug queen.

Kakasuhan si Dela Cruz ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.