Isang barangay coordinator ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos umanong mangikil sa taong sumuko dahil sa ilegal na droga.
Kinilala ng NBI Special Task Force ang suspek bilang si Saturnino Santiago, na coordinator ng anti-drugs council sa Barangay Paso de Blas sa Valenzuela City.
Hiningan umano ni Santiago ng P18,000 si alyas "Brown" kapalit ng pagtatapos nito sa wellness program ng barangay at pag-alis sa pangalan nito sa drugs watch-list.
Itinanggi naman ni Santiago ang paratang.
Kinasuhan si Santiago ng direct bribery at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. -- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, bribery, corruption, barangay, Valenzuela City, war on drugs, drugs watch-list, extortion, TV Patrol, Niko Baua