Singil sa tubig tataas sa Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 05:12 PM

Magtataas ng singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water sa Oktubre.

Nasa P0.17 kada cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water habang P0.02 naman sa Maynilad.

Pasok na kasi umano sa October bill ng mga water concessionaire ang foreign currency differential adjustment, na epekto ng palitan ng piso kontra dolyar at yen.-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.