Lalaking nagbantang ikakalat ang pribadong larawan ng kaibigan, timbog

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 10:08 PM

DAVAO CITY — Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ireklamong nagbabantang magpakalat ng mga pribadong larawan ng isang 25-anyos na babae.

Ang biktima, kaibigan ng asawa ng suspek.

Ayon sa biktima, gamit ang account ng asawa, nakipag-chat ang suspek sa kaniya at nanghingi ng mga maseselang retrato niya.

Sa pag-aakalang kaibigan ang kausap, nagpadala siya ng mga maseselang larawan.

Nitong Biyernes, umamin na ang suspek at pinagbantaan ang biktima na ikakalat ang mga nakuhang larawan kung hindi papayag na makikipagtalik sa kaniya ang biktima.

Sa takot, napilitang magsumbong sa kapulisan ang biktima.

Muling paalala ng mga awtoridad na huwag basta-basta magbigay ng mga pribadong larawan sa ibang tao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.