Bangkay ng lalaki natagpuan sa Bacoor

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 10:44 AM | Updated as of Sep 30 2019 11:11 AM

MAYNILA - Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang "salvage" victim sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.

Binalutan ng packaging tape ang ulo ng biktima na tinatayang may edad na 25 hanggang 30 anyos, nakasuot ng itim na t-shirt at puting shorts, at may mga tattoo sa kanang braso. 

May head trauma o hinihinalang hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng biktima.

Itinawag ng barangay sa pulis ang insidente kaya nagpadala ito ng mga tauhan, ayon kay Cavite Police Provincial director, Police Col. William Segun. 

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaki at kung doon pinatay ang biktima o itinapon lang sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.