Korean restaurant sa Makati, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2018 11:48 AM

MANILA - Natupok ang isang Korean restaurant sa kanto ng P. Burgos at San Lucas streets sa Poblacion, Makati ngayong Linggo ng madaling-araw.

Hinihinalang nagsimula ang sunog sa kusina, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Aminado naman ang staff na naiwan saglit ng cook ang niluluto at pagbalik ay nasusunog na ang kusina.

Agad naman umano nilang tinanggal ang malalaking tangke ng gas palabas ng restaurant.

May ilang kustomer pang kumakain doon nang sumiklab ang sunog dahil 24 hours ang operasyon ng restaurant.

Wala naman naitalang nasaktan sa sunog. Hindi rin nadamay ang kadikit na isa pang restaurant at spa.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.