Mahigit 80 stalls ang naabo sa sunog sa public market sa bayan ng Molave, Zamboanga del Sur Sabado ng gabi.
Nagsimula ang sunog 10:59 ng gabi, na naapula matapos ang higit dalawang oras.
Tinatayang aabot sa P1.2 milyon ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.
Pinaniniwalaang nagsimula ang sunog sa isang tindahan ng ukay-ukay.
Hindi pa masabi ng mga bumbero kung ano ang sanhi ng sunog.
Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.
- ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.