MANILA - Pinababa nang wala sa oras ang nasa 400 pasahero nang matapos ang panibagong aberya sa MRT- 3 ngayong Linggo ng umaga.
Nagkaroon ng electrical failure kaya nag-unload ng mga pasahero sa Ayala southbound station pasado alas-8 ng umaga, ayon sa pamunuan ng MRT-3.
Agad naman anilang nakasakay ang mga apektadong pasahero sa kasunod na tren na dumating 6 na minuto matapos ang aberya.
Sumailalim ang tren sa preventive maintenance at pagpapalit ng electrical components.
Nitong Huwebes huling nagkaroon ng electrical failure ang MRT, dahilan para mag-unload ng nasa 500 pasahero.
Nasugatan naman ang 6 na katao noong Miyerkoles makaraang magsalpukan ang 2 maintenance vehicle ng MRT sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations.
May ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.