2 patay nang mawalan ng preno ang sinasakyang truck sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2018 02:41 PM

Napatay noong gabi ng Sabado ang isang truck driver at isang pahinante nang mawalan ng preno ang kanilang 10-wheeler truck sa Baranagy Silangang Malicboy sa bayan ng Pagbilao, Quezon.

Sa ulat ng Quezon provincial police, nagmula sa Bicol at patungo sanang Maynila iyong truck nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa isang aluminum wing van truck.

Dumeretso ang mga 10-wheeler truck sa isang garahe na may tricycle bago dumausdos patungo sa barracks o kuwartel ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Malubha namang nasugatan ang dalawang taong tumilapon palabas ng barracks ng DPWH.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.