15 biktima ng landslide sa Naga City, Cebu, inilibing na

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2018 06:34 PM | Updated as of Sep 30 2018 06:36 PM

Inilibing na sa Naga City Public Cemetery ang mga labi ng 15 natabunan ng gumuhong lupa sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan, Naga City Linggo ng hapon.

Kabilang sa mga inilibing ang magkapatid na Bianca at Michael Versales at Edgardo at Siena Myviel Yapac na pawang mga estudyante.

Nanawagan ngayon ng hustisya ang mga naulilang pamilya. Hiling nilang mahinto na ang lahat ng quarry operation sa Naga City sa takot na maulit ang trahedya na ikinamatay ng mahigit 70.

Sa huling tala ng lokal na pamahalaan umabot na sa 77 ang nahukay na bangkay habang may walo pang nawawala.

Nangako naman ang mga rescuers na hindi sila titigil sa paghuhukay hangga't hindi nila nakikita ang 8 pang nawawala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.