Presyo ng produktong petrolyo, magtataas muli

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2017 07:01 PM

Nagbabadyang magtaas muli ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang imamahal ng diesel.

Tinataya ring magkakaroon ng P0.20 hanggang P0.30 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro naman ang dagdag-presyo sa kerosene. 

Tinatayang dagdag-presyo sa susunod na linggo
 
 Diesel - P0.30 - P0.40/L 
 Gasoline - P0.20 - P0.30/L 
 Kerosene - P0.50 - P0.60/L

Samantala, inanunsyo ng Petron na tataas na ng P4.90 kada kilo ang presyo ng kanilang gasul simula bukas, Oktubre 1.

Katumbas ito ng mahigit P50 kada regular na tangke.

Sapul din ng P2.75 kada litrong dagdag-presyo ang auto LPG.

Mayroon ding P4.00 kada kilong dagdag-presyo ang Regasco LPG. 

Dagdag-presyo sa LPG at Auto LPG
 
 Petron Gasul - P4.90/Kilo (P53/11kg na tangke)
 Auto LPG - P2.75/litro
 Regasco - P4.00/kilo (P44/11kg na tangke)

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.