Nasunog ang isang tindahan ng medical supplies sa Sta. Cruz, Maynila Miyerkoles ng gabi.
Nagkanya-kanyang hakot ang mga tauhan ng tindahan para isalba ang kanilang mga panindang wheelchair, walker, kutson ng kama at iba pang medical supplies.
Ayon sa Manila Fire Department, inabot ng apat na oras ang pag-apula sa apoy na tumupok sa ikalawa at ikatlong palapag ng gusali.
Nahirapan ang mga bumbero dahil makipot ang daan at makapal na ang usok dito.
Puno kasi ng mga gamit na madaling masunog ang palapag katulad ng alcohol, mga bulak, latex gloves, at mga kutson ng kama.
Tinatayang nasa P11 milyon ang halaga ng napinsala sa sunog.
Pasado alas-2 ng madaling araw tuluyang naapula ang apoy.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng sunog.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.