PatrolPH

Sekyu sa gas station nagnakaw dahil umano di sinasahuran nang 2 buwan

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2022 04:24 PM | Updated as of Sep 29 2022 06:14 PM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ang isang security guard sa Aloguinsan sa Cebu matapos magnakaw sa gasolinahan sa barangay Bonbon, ayon sa mga awtoridad. 

Giit umano ng guwardiya na nagnakaw siya sa gasolinahan dahil hindi pa umano siya sumasahod mula Hulyo. 

Nadakip ang suspek sa isang hot pursuit operation noong Lunes, ayon kay Aloguinsan Police chief Roberto Barnido Jr. 

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, nagpanggap na customer ang guard, pero nagdeklara ito ng holdup at nagpaputok ng baril. 

Aabot sa P10,000 ang nakuha sa cash register. 

Natukoy ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage, at nahuli sa Pinamungajan District Hospital habang nagpapalit ng damit sa kaniyang locker. 

Nakumpiska sa suspek ang P4,000, baril, at bala. 

Mahaharap sa kasong robbery ang suspek. 

-- Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.