Pinoy martial arts na arnis sumisikat sa The Netherlands | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

News

Pinoy martial arts na arnis sumisikat sa The Netherlands

Pinoy martial arts na arnis sumisikat sa The Netherlands

TFC News

Clipboard

THE HAGUE - Isang self-defense martial arts ang arnis na kilala rin sa tawag na kali o escrima, gamit ang dalawang patpat na gawa sa yantok o rattan.

Ginagamit rin ang gulok (machete) at karambit (curved knife) sa ibang bersyon nito. Nagmula man sa Pilipinas, unti-unti na itong nakikilala sa ibang bansa.

Arnis
PE The Hague photo

Sa katunayan, isa na itong international sport, kung saan humakot ang Pilipinas ng mga gintong medalya noong 2019 SEA Games.

Sa The Netherlands, nagiging popular na ito sa mga Dutch, kasabay ng ibang martial arts na galing sa Asya tulad ng Shotokan Karate ng Japan.

ADVERTISEMENT

Arnis de Mano
PE The Hague photo

Sa arnis demonstration ng Warisan International Martial Arts Academy sa Philippine Embassy Festival sa The Hague noong September 3, ibinida ng mga Dutch ang kanilang natutunan mula sa Pinoy arnis masters.

Ang arnis ay hindi lang pangdigma kundi malaking tulong ito upang upang lumakas ang katawan at mapanatili ang kalusugan.

Binigyang pugay ng Philippine Embassy si Marcel Horstman, ang founder ng Warisan Academy dahil sa kanyang pagsusumikap na makilala ang arnis ng mga Pilipino sa The Netherlands at ibang bansa sa Europa.

Si Horstman ay sumailalim ng pitong taong pagsasanay sa Filipino martials arts sa Pilipinas sa ilalim ng iba’t-ibang grand masters, tulad ni master Abraham Ganzon.

“The Filipino, Dutch and the international community both practitioners and enthusiasts – also warmly welcomed arnis as another unique immersion of Filipino culture,” wika ni Ambassador J. Eduardo Malaya.

Arnis de Amba
PE The Hague photo

Gamit ang kanyang 35-taong karanasan sa martial arts at related disciplines, nagbibigay ng pagsasanay si Horstman sa “panuntukan,” isang boxing component ng Filipino martial arts.

Nagbibigay din ang Warisan Academy ng workshops sa “silat suffian bela diri,” isang Bruneian martial art, at “isshin ryu karate,” “okinawan kobudo,” “shotokan karate,” at “tajitsu” ng Japan.

At may “Little Warriors Program” rin sila para sa mga batang edad 5 hanggang 10, maging self-defense seminars para sa mga kababaihan at instructor courses.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa The Netherlands, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.