DOHA - Makalipas ang higit isang taon sa Philippine Overseas Labor Affice sa Qatar, Nagtapos na ang panunungkulan ni Labor Attache Adam Musa.
Bilang pasasalamat, isang send-off dinner ang inihanda ng Filipino Associations and Manpower Services Qatar o FAMS Qatar para sa outgoing Labor attache.
“Labatt Adam has already stood in the heart of every Filipino leader here in the community. The passion to serve the people, the passion to serve our fellowmen, and at the same time is to do something without any reward,” sabi ni Arch. Miggy Garcia, kinatawan ng PPOQ.
Kilala si Musa bilang kapitan dahil sa kanyang pangunguna sa Filipino groups at organizations.
Pinuri rin ang kanyang "Aksyon agad policy" pagdating sa mga nangangailangan ng tulong. Ilan sa kanyang mga nagawa ang pagpapabilis ng proseso sa tanggapan ng POLO at agarang pag-resolba ng mga itinatawag sa kanilang kaso ng mga OFWs.
“Nag-unite po ang mga agencies and workers, especially po marami pong nagawang mabubuting ehemplo. Si Labatt po para sa amin at the same time naging smooth po ang processing nga mga agencies because of him,” sabi ni Rita Llorico ng Fahad Services.
“He opens the door of POLO to all Filipino communities, to all workers, whether it’s skilled or non-skilled. He entertained everyone, he listens to everyone,” sabi ni Cherry Cureg, Coordinator, Migrant Workers and other Filipinos Resource Center.
Hiling ng mga Pilipino na maipagpatuloy din ng bagong labor attache ang magagandang proyekto ng POLO-Qatar.
“That he will continue the legacy that Labor Attache Musa is leaving behind,” sabi ni Engr. Meliza Ortiguerra, President, BMKQ.
“Sa lahat ng mga narinig natin na mga testimonies, mapapatunayan natin kung gaano, at kung ano ang tunay na ibig sabihin ng public servant, dun pa lang I salute you sir Adam,” sabi ni Paolo Ferrer, SSR Recruitment Manager.
Sa ngayon wala pang pinangalanang kapalit si Musa.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: