PatrolPH

Bahagi ng highway sa Davao City, binaha; ilang motorista stranded

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2022 05:54 AM

Hindi nadaanan ng mga sasakyan ang Carlos P. Garcia Highway sa Laverna, Buhangin, Davao City Miyerkoles ng gabi dahil sa baha bunsod ng malakas na ulan.

Kita sa video ng motoristang si Khervin Canda na stranded ang maraming sasakyan at labis ang bigat ng daloy ng trapiko sa kalsada dahil sa mataas na tubig baha.

Isang sasakyan naman ang tumirik na sa gitna ng baha matapos subukang tumawid sa tubig.

Ayon kay Canda, mahigit isang oras silang naghintay para makadaan dahil hinintay pa nilang bumaba ang tubig baha.

Bukod sa Buhangin proper, ilang lugar din sa downtown ang Davao ang binaha kaya nakaranas ng matinding trapik ang mga motorista at pahirapan din ang pagsakay ng mga commuter.

Ayon sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakaapekto sa lungsod ang localized thunderstorms.

Watch more News on iWantTFC

— Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.