Navotas City hospital naghahanap ng health workers

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2020 10:40 AM

MAYNILA - Naghahanap ng mga health worker ang Navotas City hospital, ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa Navotas City LGU, naghahanap ng mga radiologic technologist, staff nurse, at pharmacist ang ospital.

Sa mga interesadong aplikante, magdala lang ng mga dokumento tulad ng:

Letter of application

  • Resume
  • Diploma
  • Transcript of Records
  • Board Rating
  • PRC ID / Eligibility Certificate
  • Certificate of Training
  • at Voter's ID.

Maaari anilang ipasa ang kumpletong dokumento sa 3rd floor Administrative Office, Navotas City Hospital o ipasa online sa [email protected]

Hanggang Oktubre 2 maaaring ipasa ang mga dokumento.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.