House helper na nagnakaw umano ng kalahating milyong piso, arestado

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2020 07:06 AM

MAYNILA - Timbog ang isang lalaking house helper matapos mahuli sa akto na pinagnanakawan ang kaniyang amo sa Muntinlupa. 

Ayon sa Southern Police District, nangyari ang krimen sa isang subdivision sa Barangay Putatan. Pagpasok ng babaeng amo sa master's bedroom, nakita niya ang helper nila na may kinukuha sa safety deposit box. Napasigaw ang babae at tinawagan ang mister niya. 

Tumakbo naman palayo ang suspek pero nahabol siya ng lalaking amo. Nakuha sa helper ang isang bundle ng cash na nagkakahalagang P100,000. Nagtataka lang ngayon ang employer dahil may nawawala pa na P444,000 sa kanilang vault. 

Nasa kustodiya na ng Muntinlupa Police ang 24 anyos na suspek at nahaharap sa reklamong qualified theft. 

Inaalam na rin ng pulis kung saan napunta ang nawawalang halos kalahating milyong pisong cash.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.