Umano'y rebelde patay sa engkuwentro sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 07:59 PM

Patay ang isa umanong miyembro ng New People's Army matapos makasagupa ang mga tropa ng 88th Infantry Battalion sa Sitio Bangkalawan, Barangay Lumintao sa bayan ng Quezon, Bukidnon Sabado ng umaga.

Ayon sa militar, kinilala ng mga dating rebelde ang namatay na si Joven Manggatawan alyas "Amana." Siya umano ay lider ng NPA sa Bukidnon.

Masukal na gubat ang pinangyarihan ng engkwentro kung saan naiwan umano ng mga rebelde ang isang M16 rifle; 2 anti-personnel mines; 1 rifle grenade; mga bala, at handset radio.

Isang pang miyembro ng NPA umano ang nahuling sugatan at dinala sa ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.