Sunog sumiklab sa lumang gusali ng mall sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 03:46 PM | Updated as of Sep 29 2019 06:10 PM

(UPDATE) Nasunog ang lumang gusali ng isang mall sa bayan ng Bauan, Batangas ngayong Linggo, ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP).

Naiulat bandang ala-1:25 ng hapon ang sunog, na umabot hanggang ikatlong alarma, sa lumang gusali ng mall na Citimart, ayon sa BFP.

Walang naiulat na nasugatan dahil mabilis umanong nakalabas ng gusali ang mga empleyado at kostumer, na karamihan ay nasa una at ikalawang palapag ng mall.

Sa generator set sa ikatlong palapag nag-umpisa ang apoy, na mabilis umanong kumalat hanggang ika-apat na palapag.

Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala sa ari-arian.-- Ulat ni Jonathan Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.