3 patay sa naaksidenteng jeep sa Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 04:30 PM

Tatlong tao ang nasawi habang hindi bababa sa 10 ang nasugatan matapos madisgrasya ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong hapon ng Sabado.

Nawalan umano ng preno ang jeep, na sinasakyan ng pamilyang papunta sa Balut Island, hanggang sa dumausdos pababa ng bundok at mahulog ng bangin sa may Barangay Paril.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi bilang sina Naif Etto, 7; Jayson Manisi, 16; at Jamil Guiampaca, 20.

Mechnical error ang posibleng dahilan ng aksidente, ani Police Maj. Patrich Elma, hepe ng Kalamansig police.

"Nag-lose brake ang sasakyan, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa nahulog sila sa bangin," ani Elma.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver. -- Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.