3 'drug pusher' timbog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 03:59 PM

MAYNILA — Sa gitna ng isinasagawang clearing operation ay 3 lalaki ang naaresto matapos silang maabutan na nagtutulak umano ng droga sa Quezon City.

Kinilala ang mga ito na sina Ryan Beltran, Jonalyn Marabas, at Raymond Caballero.

Ayon kay Allan Franza, chairman ng Barangay Old Balara, ginigiba ang isang bahay at doon nila naabutan ang transaksiyon ng 3 suspek.

"May mga report na nagbebenta sila ng drugs. Parokyano nila taxi drivers," sabi ni Franza.

Nakumpiska sa mga suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia na nagkakahalaga ng halos P10,000.

Inihahanda na ang isasampang kaso laban sa 3.— Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.