Nasa kalahating milyong halaga ng droga, nasamsam; suspek timbog

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2018 04:18 PM

Bahagi umano ng isang malaking grupo ang suspek kaya't malaking halaga ng droga ang hinahawakan nito. Larawan mula sa Silay City Police Station


SILAY CITY, Negros Occidental - Arestado sa buy-bust operation ang isang 22-anyos na lalaki, Biyernes ng gabi dito. 

Nakuha mula sa target ng operasyon ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P500,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, kolektor at distributor ng droga ang suspek ng isang malaking grupo sa Silay City kaya malaking halaga ng shabu ang hinahawakan nito.

Dati na rin siyang naging subject ng buy-bust operation pero nakatakas.

Nakakulong na ngayon sa Silay Police Station ang suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.