Bulabog Beach sa Boracay malinis na

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2018 10:01 AM | Updated as of Sep 30 2018 07:11 PM

Isang outfall pipe para sa drainage water ang inilalagay sa Bulabog beach sa Boracay sa gitna ng rehabilitasyon ng isla, August 13, 2018. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

Nasa normal level na ang coliform content sa Bulabog Beach sa Boracay, indikasyon na malinis na ang tubig sa lugar. 

Masaya itong ibinalita ng Boracay Inter-Agency Task Force sa Congressional hearing Biyernes, may isang buwan bago muling buksan ang isla. ​

Pinalitan na rin ang sewerage line dito kung saan isang kilometro na ang layo ng tubig na ilalabas nito.

Watch more in iWantTFC

Patuloy din ang ginagawang construction sa walkway malapit lang sa dagat para sa mga residente at turista.

Matatandaang isang video ng Bulabog beach ang nag-viral noong Pebrero kung saan nakita ang isang tubo kung saan bumubulwak ang maruming tubig.

Ipinasara ng gobyerno ang isla sa turismo noong April 26 para sa malawakang paglilinis dahil sa problema sa sewarage at paglabag ng ilang mga establisimyento sa environment and zoning regulations. ​

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.