4 tiklo sa Cubao buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2018 05:30 AM

MAYNILA - Arestado ang 4 na lalaki sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City.

Nakuha mula sa mga suspek ang 16 na pakete ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, target ng operasyon ay si alyas John na nagbebenta umano ng ilegal na droga sa mga tricycle driver.

Kasama sa mga hinuli ay 3 tricycle driver.

Pinabulaanan naman ng mga suspek na gumagamit sila ng shabu.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat nina Isay Reyes at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.