OFW na nakaiwan ng halos P1 milyon sa taxi, laking pasalamat sa tapat na drayber

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 04:23 PM | Updated as of Sep 29 2017 05:52 PM

Laking pasalamat ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Japan nang maibalik sa kaniya ang mga naiwan na pag-aari sa isang taxi sa Davao City nitong Huwebes.

Ang laman ng kaniyang naiwang bag? Mga Japanese Yen na may katumbas na halagang hihigit sa P900,000. Mayroon din itong lamang iba't ibang alahas, cellphone, at mga importanteng dokumento gaya ng bank book at passport. 

Agad dumulog sa ABS-CBN Davao City ang taxi driver na si Raymond Gonzaga bitbit ang bag na naiwan ng kanyang pasahero.

Ayon kay Ruth Muntag-Koitabashi, nandoon lahat ng bunga ng kanyang paghihirap sa ibang bansa.

"Maraming salamat! 'Di ko maisip kung tuluyan itong nawala, nandito lahat!" sabi ng ginang. 

Ang drayber na nagbalik, hindi daw naisip angkinin ang pera dahil takot sa karma.

Umaasa si Raymond na tutularan siya ng iba pang mga taxi driver

-- Ulat ni Vina Araneta, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.