Call center agents, tutulungan ng DOH na itigil ang pagyoyosi

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 09:47 PM | Updated as of Oct 02 2017 10:23 PM

Magbibigay ang Department of Health (DOH) ng training sa mga manager at trainer ng call center companies para tulungan ang ilang empleyado na tumigil sa bisyo. 

Isa sa mga programa ng DOH ay ang cessation program para tulungan ang mga nais tuldukan ang kanilang paninigarilyo.

Ayon sa DOH, prone ang mga call center agent ang pagyoyosi.

Kabilang din sa cessation program ay ang mga programa sa mental health. 

Dagdag din ng DOH, nakikipagpulong na rin sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) para maamyendahan ang ilang bahagi sa Joint Memorandum Circular Commission upang i-ayon ito sa kasalukuyang Executive Order 26 ng DOH o ang Nationwide Smoking Ban.

Pati na ang batas tulad ng pagkakaroon ng proyekto, mga donasyon at corporate social responsibilities sa pagitan ng gobyerno at industriya ng tabako, pag-uusapan din.

Sa huli, paalala ng DOH, nagdudulot ng maraming sakit ang paninigarilyo tulad ng severe asthma, bronchitis, Buerger's disease, hypertension at diabetes. 

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.