Binatilyo, sugatan sa pamamaril ng sekyu sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2017 12:06 PM

Sugatan ang 18-taong gulang na binatilyo matapos na mabaril ng security guard sa Bacolod.

Nakikipag-inuman umano si Joeffer Sabari sa labas ng isang eskuwelahan nang habulin sila ng guwardiya roon na si Arnolfo Antipa-tiha.
 
Nagpaputok rin si Antipa-tiha at tinamaan sa binti si Sabari. Agad namang naisugod sa ospital ang biktima.

Agad ding nahuli ng mga pulis ang guwardiya at narekober sa kanya ang isang 12-gauge shotgun.

Depensa niya, wala siyang intensyong patamaan ang biktima.

Nagpaputok lang umano siya ng warning shot para itaboy ang mga kabataan mula sa harapan ng paaralan.

Nahaharap siya sa kasong frustrated homicide. DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.