3 patay matapos mawalan ng preno ang isang truck sa Biliran

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2016 01:16 AM

BILIRAN -- Patay ang tatlong lalaking sakay ng isang truck matapos madisgrasya ito sa Cabucgayan, Biliran noong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, galing sa bayan ng Culaba ang truck at kargado ito ng mga coco lumber. Pagdating sa Barangay Talibong, nawalan ito ng preno na siyang dahilan sa disgrasya.

Naipit sa loob ng truck ang dalawang sakay nito at ang isa ay tumilapon naman sa damuhan.

Nakilala ang mga namatay na sina Carlito Daban (drayber), Rogelio Alolor, may ari ng sasakyan, at ang isa ay kinilalang si Jamil na parehas mga taga Daanbantayan, Cebu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.