PatrolPH

Posibleng aabot sa P1-M ang natangay sa bank holdup sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2021 06:27 AM

Watch more on iWantTFC

Posibleng aabot sa P1 milyong cash ang natangay ng isang holdaper sa bangko sa Paco, Maynila Lunes. 

Ayon sa Pandacan Police Station, isang lalaki ang pumasok sa bangko at nag-inquire tungkol sa car loan. 

Nakausap ng lalaki ang bank manager at matapos ang ilang minuto lumabas ito at pumunta sa kanyang nakaparadang motorsiklo. 

Bumalik siya ulit sa loob ng bangko at lumapit na sa isang guwardiya. Tinutukan ng baril ang guwardiya at kinuha ang service firearm. 

Kinuha rin niya ang baril ng pangalawang security guard. 

Pinosasan niya ang 2 guwardiya at inutusan ang lahat ng bank staff na pumunta sa pantry sa likurang bahagi ng bangko. 

Pinadapa lahat ng staff. Pumunta ang suspek sa counter at kinuha ang mga pera na tinatayang nasa P500,000 hanggang P1 milyon. 

Agad din tumakas ang suspek. Walang nasaktan sa mga staff. Wala rin customer noong oras ng pangholdap. 

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung sino ang suspek at kung may pagkukulang ba sa seguridad ang bangko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.