MAYNILA - Binuksan ang 2 istasyon ng Pasig Ferry sa Maynila at Mandaluyong nitong Lunes matapos ang higit 6 na buwang pagkasara.
Nadagdag ang Hulo Ferry Station sa Mandaluyong, at Sta. Ana Ferry Station sa Maynila sa 6 na bukas na istasyon ng Pasig Ferry.
Ang mga bukas nang istasyon ay ang Pinagbuhatan at San Joaquin sa Pasig City, Guadalupe at Valenzuela sa Makati City, at Lawton at Escolta sa Maynila.
Maaaring makakuha ng libreng sakay ang mga healthcare workers at iba pang frontliners kapag nagpakita ng identification card at nakasuot ng face mask at face shield.
Kalahati, o 18 sa 36 seating capacity lamang ang maaaring sumakay sa ferry mula Lunes hanggang Sabado, 6 a.m. hanggang 7 p.m.
Para sa mga katanungan ukol sa trip schedule, maaaring tumawag sa mga numerong ito:
Guadalupe Station – 0948-4489-546
Escolta Station – 0923-7004-601
Hulo Station – 0950-4478-571
Valenzuela Station – 0948-5578-164
Sta. Ana Station - 0936-8661-849
Lawton Station - 0947-9882-319
Pinagbuhatan Station - 0928-3987-162
San Joaquin Station - 0947-3105-128
--May ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Teleradyo, Pasig Ferry, Manila, Mandaluyong, transportation, free rides, libreng sakay