Dating opisyal ng urban poor commission patay sa ambush sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2019 07:10 PM

MAYNILA — Patay ang isang dating opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) nitong Sabado matapos siyang tambangan ng lalaking nakamotorsiklo.

Kinilala ang biktima na si Abdulrashid Ladayao Sr., 53, at dating executive assistant sa PCUP.

Nangyari ang pamamaril sa Engineering Street, kanto Manager Street, Sangandaan, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Gabriel, kararating lang sa bahay ng biktima sakay ang kotse nang pagbabarilin ng lalaking naka-mask at helmet at sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

Tinutukoy na rin ang pagkakakilanlan ng suspek.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.