Bomberong sumagip sa tuta nagpasalamat sa papuri

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2019 04:34 PM | Updated as of Sep 28 2019 05:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Laking pasalamat ng isang bombero sa Bacolod City sa papuring kaniyang natanggap sa pagkakasagip sa isang tuta noong nakaraang Linggo.

Pero ayon kay volunteer firefighter Albert Mendoza, ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho.

"Sa isip ko, kaya ko ito may aso ako," sabi ni Mendoza nang kaniyang i-CPR (cardiopulmonary resuscitation) ang tuta na nakuryente.

Kuwento ni Mendoza, nakarinig sila ng tahol ng tuta na tila bang nanghihingi ng tulong nang makapasok sila sa nasusunog na bahay sa may Barangay Alijis sa Bacolod City.

"Pagdampot ko sa kaniya, nakuryente ako naitapon ko siya doon sa live wire. Kinuha ko siya ulit wala na siyang malay. CPR ko siya hanggang magkamalay," kuwento niya sa panayam sa DZMM Sabado.

Ayon kay Mendoza, may 10 aso rin siyang alaga kaya't hindi siya nagdalawang-isip na sagipin ang tuta.

Si Mendoza, 41 anyos, ay may apat na taon na rin na volunteer firefighter.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.