6 sasakyan nasunog matapos masangkot sa karambola sa Cavite

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2019 09:59 AM | Updated as of Sep 28 2019 07:40 PM

Watch more in iWantTFC

Nasunog ang anim na sasakyan, kabilang ang dalawang bus, sa karambola sa Governor's Drive sa Carmona, Cavite, Sabado ng umaga.

Sa inisyal na detalye mula kay Carmona police chief Police Maj. Rommel Carcellar, sumalpok ang isang dump truck sa bus matapos ito mawalan ng preno.

Ilang saglit lang, umapoy na ang truck at ang nabangga nitong bus.

Nadamay ang isa pang bus at isang truck na may kargang bakal.

Ayon sa pulis, nagtamo ng minor injuries ang driver ng truck. Wala pang naiuulat na ibang sugatan sa aksidente.

Naapula na ang apoy pero nasa kalsada pa rin ang mga sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.