SAPUL SA CCTV: Pick-up truck, SUV nagbanggaan sa Puerto Princesa

Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 06:47 PM

Watch more in iWantTFC

PUERTO PRINCESA CITY—Nagbanggaan ang isang SUV at pick-up truck sa kanto ng Rizal Avenue at Roxas Street sa lungsod na ito Biyernes ng madaling araw.

Sa kuha ng CCTV ng 911, makikitang malinis at tahimik ang kalsada.

Pero pagpatak ng bandang 3 a.m., makikita ang isang SUV na binabaybay ang Roxas Street. Nakapasok na ito sa intersection para tumawid nang biglang sumulpot ang isang pick-up truck.

Nabangga nito ang kaliwang bahagi ng SUV, habang makikita naman ang pag-ikot ng SUV saka bumangga sa poste ng Palawan Electric Cooperative.

Ilang metro pa ang itinakbo ng pick-up bago huminto.

Ilang sandali pa ay lumabas ang driver ng SUV na mapapansin pa ang pagkahilo. Masuwerteng walang napuruhan sa insidente.

Tumanggi muna ang pulisya na pangalanan ang mga sangkot, pero pinag-aaralan na umano nila ang kuha ng CCTV habang inaalam pa kung may magsasampa ng kaso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.