P130,000 shabu nasabat sa San Mateo

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 08:46 AM

SAN MATEO, Rizal - Aabot sa P130,000 ang halaga ng shabu na nakuha mula sa 3 umano’y tulak ng droga dito sa bayan, Biyernes.

Nakuha ang shabu mula isang buy-bust operation kung saan nakipagtransaksyon ang mga undercover na pulis sa dalawang 22-anyos na suspek at isang 30-anyos na umano'y supplier ng grupo.

Ang mga suspek ay mga residente ng Quezon City at dumadayo lamang sa San Mateo upang magbenta ng droga, sabi ni Supt. Vic Amante, hepe ng San Mateo Police.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.