Lolong nakatambay, pinagbabaril sa Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2018 08:47 AM

police station 2

COTABATO CITY - Isang 62-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng di pa nakikilalang salarin dito sa lungsod, Huwebes.

Ayon sa mga saksi, umiinom ng beer ang biktimang si Ibrahim Tumindig Binasing sa isang tindahan sa Rosario Heights 10 nang bigla itong pagbabarilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Isinugod sa ospital si Binasing matapos magtamo ng tama ng bala sa tiyan.

Patuloy na ginagamot at nagpapagaling sa ospital ang biktima.

Iniimbestigahan ng mga pulis kung konektado ang insidente sa trabaho ng biktima bilang sekretarya ng isang clerk of court dito sa lungsod.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.